eighty one

simula pa lang ng bagong taon,

minamalas na ata ako.

dumadalas na ata kasi akong nakaka encounter ng mga taong walang magawa sa buhay at hinihingi na lang ang pangalan, address, at cellphone number ng mga nakakatabi niya sa bus para lang lumipas ang oras ng pagbiyahe.

yung mga tipo ng mga tao na mangangalabit pa ng katabi para lang magtanong kung saan bang school ako pumapasok, kahit na obvious na obvious naman sa skirt ko na ako’y isang dugong berde’t ginto na pati mga kurtina ng bus at tablecloth kapareho ko ng tela.

minsan nadadaan mo sa isnaban… pero meron din namang mga taeng indi nadadala sa isnaban at mas lalo pang mangungulit.

maya-maya mangangalabit, tapos paulit-ulit pa rin ang mga tatanungin.

indi ko nga malaman kung anong iisipin ko sa ginagawa nila. 

parati kong naiisip na baka maya-maya lang lalabas na si Bitoy at biglang sisigaw ng “YARI KA! HAHAHA!”… nasa Bitoy’s Funniest Videos pala ako…

haha…

pero hindi naman lumalabas si bitoy…

kaya isip uli ako ng ibang teorya.

minsan naisip ko na yung taeng nangungulit ay isang napakayamang tao na hindi marunong makipagkaibigan kaya kung anu-ano nalang klaseng taktika ang naiisip niya para lang makipag kaibigan…

at naisip ko rin na kung saka sakaling makipag friendly friends ako sa kanya, baka bigyan pa niya ako ng kalahati ng kayamanan niya. 

yung para bang isang eksena sa pelikula…

pero asa pa akong may mangyayaring ganun.

hahahahahahahahahahahahaha….

at siyempre, pwede rin naman na nang gagago lang talaga yung katabi ko dahil isa siyang dakilang manyak na gumagawa lang ng mga palusot para manyakan ang katabi niya, maganda man o hindi ang kanyang biktima, wala siyang sinasanto basta me mamanyakan siya.

kasi yun ang kaligayahan niya. basta me mamanyakan siya, masaya na siya.

pero siyempre, dapat hindi lang puro deadma at biglaang pagbaba ng bus ang ginagawa sa mga taong dakilang manhid na tanong ng tanong ng mga personal na bagay sayo kahit na isang oras mo na siyang indi kinikibo. kasi kung baba tayo ng baba ng bus kahit di pa tayo dapat bumaba, mas lalong napapalaki ang gastusin sa pamasahe at hindi na makakasurvive ang ating kakapiranggot na budget.

kaya dapat paminsan minsan rin maging assertive tayo.

kumbaga, dapat i-confront natin si mamang manyak, tulad ng ganito:

“TANG INA MO MANONG, ILANG BESES MO BA AKONG TATANUNGIN KUNG SAAN AKO NAG-AARAL AT KUNG ANO COURSE KO? NAPAKATANGA MO NA LANG PARA PAGKAMALANG UNIPORME NG U.E. ANG UNIPORME NG F.E.U! GAGO KA BA?! AT KASING KAPAL BA NG BALAT NG KABAYO ANG BALAT MO PARA DI MO MARAMDAMAN NA KAHIT KELAN INDING-INDI KITA PAPANSININ?! KUNG GUSTO MONG PUMICK-UP NG MGA BABAE, LIBRENG-LIBRE ANG MGA BABAE SA QUEZON CITY CIRCLE, SILA PA ANG LALAPIT SA YO! TAE KA LUBAYAN MO AKO!!!!”

*sigh*

hay….

kung nasabi ko lang yun sa manong na kalabit ng kalabit sa kin e di sana ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon…

pero dahil kahit kelan hinding hindi ko yun masasabi sa totoong buhay, dapat parati na lang tayong handa sa kung anu mang sakuna.

mula ngayon sisikapin ko nang umuwi nang may kasama as much as possible (isa kasi akong dakilang duwag at parating dumidepende sa iba kaya kailangan ko ng karamay)

at dahil dito, meron na akong NEW YEAR’S RESOLUTION… :)
hehe….

BELATED MERRY CHRISTMAS, BELATED HAPPY NEW YEAR, and BELATED HAPPY 3 KINGS!!!!!!!!!!!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

eighty

kung napakahaba na ng natype ko at bigla na lang itong nawala na parang bula, me karapatan ba akong magalit?

pero ba’t kelangan ko pa itong sabihin?

ala lang. trip ko lang.

_________________________________________________________________________

me mga bagay-bagay na sadya na lang nawawalang parang bula.

at hindi ito parating dahil sa naging burara tayo or anything na namisplace natin ito hanggang sa hindi na natin kung saan natin ito hahagilapin pa.

meron din minsan na sila mismo ang lumalayo sa atin, at dahil sa mga hindi maipaliwanag na dahilan, wala tayong magawa para hilain sila pabalik.

kasi merong mga non-modifiable factors na nakaharang sa ating dinaraanan…

at ang tanging pwede nating gawin eh pagmasdan ang tila papalayong bagay hanggang sa hindi na natin ito makita.

at sa mga kapanahunang malayo yung bagay na yun sa atin, naaalala natin ang mga alaalang nabuo kasama ang partikular na bagay na yun–kung kelan mo ito unang nakita, kung paano mo ito inalagaan (kung taken for granted lang ba ito o super duper mo itong pinangalagaan), at kung paano ito napalapit sa iyong puso–lahat yun naaalala natin habang nararamdaman natin ang kawalan ng bagay na yun sa buhay natin–yung para bang me kulang sa atin.

yung tipong dahil sa sobrang sanay ka nang nakikita yung bagay na yun araw araw, naninibago kang hindi mo na ito nakikita kahit saang sulok ka pa tumingin.

at if ever binigyan ka ng chance ni lord na makita at matagpuan uli yung bagay na yun, gagawin mo nang tama yung lahat ng mga nagawa mong pagkakamali–kahit pa igive up mo ang lahat lahat ng meron ka para lang makita yung bagay na yun muli. pero siyempre exagg yung example na yun. pabayaan niyo na lang.

yung mga ganung epek ba.

……………

……………

pero pano kung nabigyan ka nga ng chance ni lord na makita uli yung bagay na yun…?

magagawa mo kaya yung matagal mo nang gustong gawin?

maaayos ba talaga ang dapat ayusin?

sa palagay ko, kapag nakita na natin yung bagay na yun after how many years, hindi talaga natin magagawa yung bagay na gustung gusto nating gawin in the first place,

kasi siyempre mangangapa muna tayo–dahil sa panahong malayo kayo sa isa’t isa, napakaraming pwedeng magbago. at siyempre maraming katanungang bumubulabog sa ating isipan. ang ilang halimbawa eh kung ano na nga ba ang mga hilig niya? anu-anong palabas sa telebisyon ang pinanood niya? nagvivideo/computer game ba siya? kung oo, anu-anu ang mga nilalaro niya? ano na ang paborito niyang pagkain? saan na ang paborito niyang tambayan? ano na ang balita sa pamilya niya? sa mga kaibigan?… sa lovelife?… at siyempre kung naaalala pa ba niya yung mga moments na magkasama pa kayo…? at kung ganun pa rin ba ang nararamdaman niya sayo ngayon…?

pero pano nga ba magre-establish ng ties?

lalo na kung naging awkward na kayo sa isa’t isa?

at kung hindi mo kayang tanungin yung mga tanong na iyon sa taas, makakayanan mo pa kayang gawin at ayusin ang mga dapat ayusin?

……….

……….

pero siyempre everything depends on YOU.

oo ikaw.

kung kaya mong kuhanin lahat ng katapangan mo mula sa kaibuturan ng kung anuman at gawin itong lakas para magawa ang mga bagay bagay na sa tingin mo ay nararapat,

maaaring magkaroon ng himala…

pero siyempre lahat ng nakasulat dito ay puro wishful thinking lang at hindi dapat seryosohin.

kasi kahit ako hindi to kayang gawin.

haha

payong gago lang talaga.

misadventures…part 3

nangyari to nung high school uli.
indi ko na maalala kung anung year… basta high school.
hindi siya masyadong misadventure in a sense na wala masyadong nangyaring lakaran…
hehe…
mejo mejo lang.
hindi ako umattend ng practice kasi wala masyadong tao sa practice.
kaya naisipan ko na lang pumunta sa mall.
pwede pa akong mamili kung saang mall ako pupunta kasi 2 ang mall sa amin.
halos magkatapat pa.
pero pinili ko yung mas onti lang ang tao (baka kasi me makakita sa aking nagbubulakbol)
nung pababa na ako ng jip kasi anjan na yung mall, hindi tumitigil yung jip. mejo mabagal ang andar niya pero umaandar pa rin kaya hindi ako makababa. masyado atang nagmamadali si manong drayber… me lbm ata.
eh lalagpas na ng mall yung jip…
kaya bumaba na lang ako.
at nadapa.
hehe…
sana pala umuwi na lang ako nung nadapa ako.
kasi me nagbabadya pang kamalasan… habang ako’y nagbubulakbol.
pagpasok ko sa mall, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
busog pa ako kaya ayoko pang kumain.
hindi naman ako nagdala ng maraming pera kaya hindi ako makakabili ng damit.
kaya naisipan ko na lang na manood ng sine.
pagdating ko sa 3rd floor, naghanap na ako ng pwedeng panoorin.
naisip ko na astigin ang itsura ni tom cruise na naka costume na pang samurai.
kaya yun ang pinili kong panoorin.
bago ang pumasok sa sinehan, naisip ko kung saan ako pupwesto.
dapat sa maonting lugar lang
na kung saan hindi ko maririnig ang mga nagkukwento kung anong susunod mangyayari
at malayo sa mga naglalampungan na magsyota para hindi ako makaistorbo sa kanila. (at para na rin hindi ako madisturb sa pwedeng marinig ko)
pero pagpasok ko sa sinehan, wala na pala akong iintidihing kung anuman kasi mag-isa lang ako sa sinehan.
as in solo ko ang sinehan.
tumingin ako sa taas.
baka naman kasi wala nang me gustong manood sa baba kasi onti na lang ang nanonood ng pelikulang yun (mejo matagal tagal na rin kasing pinapalabas yung pelikula na yun)

pero nung tumingin ako sa taas,
wala parin akong nakitang tao.
ni usherer nga wala pa rin akong nakita.
sa pagka paranoid ko, nanood na lang ako nang nakatayo.
nakatayo ako dun mismo sa me exit para kung me makita man akong mumu,
o kaya naman ng serial killer na ang hilig biktimahin eh mga taong tatanga-tangang pumunta hindi masyadong mataong mall at dun manonood ng sine,
makakatakbo ako kaagad papalabas ng sinehan.
at habang nakatayo ako,
patingin tingin ako sa paligid kasi baka me nakatingin na pala sa akin.
or even worse,
baka me nasa likuran ko na.
oo ganun ako ka paranoid.
so habang tinitingnan ko si tom cruise, tinititigan ko rin ang buong sinehan
tumitingin ako sa taas, sa kaliwa, sa kanan, at pati na rin sa likod ko.
me naiintindihan pa naman ako kahit papano…
patapos na ung pelikula nung me narinig akong mga boses ng mga lalaking brusco.
mas lalo pa akong umatras sa me exit…
pero nakikita ko pa rin yung pelikula.
hinanap ko na sa bag ko kung meron ba akong perdible.
sabi kasi nila,
effective yun pag nasa sinehan ka.
pero pagkakaalam ko effective lang yun pag katabi mo yung attacker…
pero pinilit ko pa ring maghanap ng perdible.
at wala akong nahanap…
:)
buti na lang malapit na talagang matapos nung me narinig akong boses.
kasi nung nagclosing remarks na,
hindi ko na hinintay pang magroll yung credits.
umalis na lang ako ng sinehan.
haha…
kung ang akala niyo natrauma ako dun…
nagkakamali kayo.
pumipili na lang ako ng mataong mall at pumipila sa mataong pila.
peo siyempre namimili ako ng pipilahan…
haha
mahirap na.
baka hindi na ako makatulog sa kakaisip ke john lloyd…
haha
_________________________________________________________________________
habang ginagawa ko to…
napaisip ako:
marami na nga siguro akong mga kamalasan sa buhay na kapag pinost ko lahat dito ay aabutan ako nang siyam-siyam,
pero nabubuhay pa rin ako.
at kaya ko pang ikwento ang masasaya at malulungkot kong pangyayari sa buhay…
alam ko rin na walang makakapili o makakaiwas sa mga kamalasan sa buhay…
pero…
sa mga hindi sinasadyang pagkakataon…
kelangan nating magpaalam nang tuluyan sa mga taong naging biktima ng kapalaran.
wala namang me gusto sa nangyari…
pero wala nang makakabalik sa kanya muli…
gusto ko lang magsabi ng condolence…
may you be happy…
may you have peace…
ROXANNE CELESTIAL a.k.a. "yui"…

misadventures…part 2

nangyari to nung 4th year high school pa lang ako…
:)
nagsimula ang lahat nung tinawagan ako ng isa kong friend na taga subdivision.
itago na lang natin siya sa pangalang…
"shelly" :)
tinawagan ako ni shelly kasi nagyayaya siyang lakarin namin ang gasoline station papuntang school para tipid pamasahe at para na rin makapag-exercise kami.
pareho kasi kaming "chubby" eh
dahil mejo may pagka figure conscious…
at dahil sa gusto ko rin subukan kung kakayanin ko,

pumayag ako.
sa kaawaan ni lord,
nakayanan naman namin.
ang mali lang namin noon wala sa amin ang nagdala ng payong. (SUNBURN!!!)
pero all-in-all ayos lang naman yung experience… :)
pagkalipas ng ilang araw…
tinawagan uli ako ni shelly.
lalakarin naman namin ngayon ang school mula subdivision.
haha
it seems exhausting so i said yes.
kasi ang paniniwala ko kapag mas nakakapagod ang ginagawa, mas maraming tabang nagagamit…
kaya nagsimula na kaming maglakad.
mga 10-12 noon ung approximate time na nagsimula kaming naglakad.
so… malamang… mainit… as in sobra…
but we continue.
yung school kasi namin pwede kang pumili ng dadaanan para makarating dun.
pwede kang dumaan ng palengke tapos ang labas mo yung harapan ng school.
pero mas malayo yung rutang yun kaya yung isang ruta yung pinili namin.
yung isa pang ruta kasi highway lang tapos yung parking lot ng school namin ang labas nun.
at nagpatuloy kami sa paglalakad.

tirik na tirik ang araw.

at tumatagaktak na ang aming pawis…

at humahalimuyak ang amoy ng tambutso ng mga dumadaang sasakyan…

at unti unti na kaming dinadapuan ng sakit sa paa.

sumusuko na ang mga paa namin.

mukhang malapit lang ang school pero hindi…
akala lang namin yun kasi nasa sasakyan kami nun.
omeegad…
kung kayang magmura ng mga paa namin siguro isang nobelang mura ang binato sa men… buti na lang hindi.
but we still continued.
tapos…
pagdating namin sa parking area ng school namin,

SARADO ANG GATE!

puke.
hindi na naman nakaya…
bumalik kami sa highway at pumara ng jip papuntang palengke.
grabe.
grabe talaga.
ang masama pa nun na late kami ng dating.
hindi kasi schoolday nun kaya sarado ang parking area

tapos kaya lang kami pumunta ng school kasi me class discussion nun.
tungkol ata sa kung anong gagawin for general assembly or sumthing.
basta extra curricular activity lang.
tapos pagdating namin ng school, tinanong kami ng teacher namin.
ba’t daw kami nalate?
napangiti na lang kami.
:)
hehe…

misadventures… part 1

dati nung 3rd year 1st sem, nagpasama ang kaibigan ko sa mall. me bibilhin daw kasi siya dun. umoo naman ako.

kaya pumunta kami sa mall.

pagkatapos nun, umuwi na rin lang kami.

ung sakayan dati ng papunta samin, andun sa me labas ng mall. maglalakad ka pa dati ng pagkalayo-layo para marating yun.

nung nakarating na ako sa sakayan, sumakay ako sa unang jip na nakita kong sinasakyan ng mga tao. (para di halatang mangmang at para kunwari parati akong napapagawi sa lugar na un)

nung napuno na ang jip, umandar na ito at bumiyahe na.

at napansin ko na parang iba ang dinadaanan ng jip.

akala ko shortcut lang o kaya naman bagong ruta ng mga jipni draybers

o kaya naman nadadaanan ko na talaga to pero dahil hindi ako observative, mukhang bago sa akin ang tanawin.

peo habang tumatagal…

nang tumatagal…

napatunayan ko sa sarili na mali ang nasakyan kong jip.

at kelangan ko nang bumaba a.s.a.p.

kaya nung me pumara, bumaba na rin ako.

naisip ko, hindi pa naman sobrang malayo ang mall kaya lalakarin ko na lang kesa sumakay (onti na lang pera ko nun)

tumawid ako ng kalsada at sinimulan na ang paglalakad…

hanggang sa umulan.

leche.

kaya napilitan akong sumakay.

balik uli sa mall.

hindi pa rin alam ang sakayan kaya tinry kong maglakad sa ibang direksyon.

baka rin kasi me mapara akong sasakyan patungo sa kin

pero lahat na lang ng sasakyan puno at ayaw pumara.

bawal atang sumakay dun.

pero ano bang malay ko?

kaya nilakad ko nang nilakad ang kalsada hanggang sa umulan nang malakas.

but i continued.

nilakad ko pa rin ang _ _ _ _ _ avenue kahit na unti unti akong nababasa–kahit na unti unti nang pinapasukan ng tubig ang rubber shoes ko (naka pe uniform ako noon) at kahit na unti unting nababasa ang jogging pants ko.

pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na rin ako sa QC circle. basang basa na ako

kahit me payong ako, yung bahang nilalakaran ko ang nagpapabasa sa kin.

pinagtitingan na nga rin ako ng mga tao :) mukha na kasi akong gusgusin.

but i still continued.

narealize ko na wala pala dung dumadaan papunta samen.

kaya nilakad ko mula _ avenue papuntang philcoa.

oo nilakad ko.

haha

adventure kung adventure.

nung narating ko yung philcoa, nakasakay na ako pauwi.

pag-uwi ko ng bahay, tuyo na ako.

hehe…

buti walang nakapansin sa bahay.

haha

*abangan ang susunod na kabanata*

seventy nine

aanhin mo ang mga salitang walang dahilan?

masarap lang ba itong pakinggan?

o yun lang talaga ang gusto mong marinig sa ibang tao?

kung ang mundo ay nagunaw at ikaw lang ang natira,

magkakaroon ba ito ng silbi sayo?

ewan.

hindi pa naman nangyayari di ba?

kaya bat mo poproblemahin ngaun?

malay.

ganyan naman parati eh.

pag indi na alam,

bahala na si lord sa mangyayari.

pero mas ok naman yun…

kesa masiraan pa tau ng bait kakaisip ng kung anu nga ang dapat gawin.

pero ano nga ba ang dapat gawin?

gumawa ng homework?

mag-aral para sa quiz o sa exams?

tumulong maglinis ng bahay?

gumawa ng something creative para lumipas ang oras?

sumali sa org?

makihalubilo sa org?

makipag-usap tungkol sa anything under the sun?

meet new friends?

ewan.

tayo lang naman ang nakakaalam kung anong dapat gawin eh.

tulad ngayon.

dapat gumagawa ako ng reflection paper.

pero anu nga bang ginagawa ko?

gumagawa lang ng katarantaduhan.

me sense ba pag ginawa ko to?

wala.

pero me makukuha akong grade pag gumawa na ako ng reflection ko ngayon.

eh ba’t ayaw kong gawin?

malay.

sino ba kausap ko? meron ba akong kausap? sino ang nagtatanong? at sino rin ang sumasagot?

omeegad.

999999999999999999999999999999

most of the things in life that we cherish most come unexpectedly or exceeds our expectations, if not unexpectedly.
they come through doors that we usually do not give attention to
but when we receive it, we try to be more conscious of the door that it came through
that most of our time is devoted to watching that particular door to open and give more treasures in life.
however, we then become less aware of the other wonders that we already have in possession.
we were too surprised and amazed at the unexpected package that life has brought us.
and that made us less aware of the other things that has started to move.
some items were lost due to misplacement,
some were wilted due to being unattended.
*sana tama grammar ko. bogak talaga ako sa english. omeegad*
and just when we focus our eyes on other things because the door that we keep on staring at still doesn’t open,
we see a whole new different world.
but not a world that we have grown accustomed with
but a world that is decaying–with only a few moments left for living.
we abandoned our present world while staring at the future that’s not yet opened.
we anticipate at what would happen while not paying close attention to what’s happening at the present.
and with that we keep on thinking what might happen if we didn’t stare at closed doors too much.
but that leaves us too with looking too much on the past
and that we still aren’t able to concentrate on what’s happening as of the moment.

it seems forever to break the seemingly endless cycle

however, if we could only focus more on the present and look less at the future and the past…

then the cycle would end

seventy eight

uhmm…

gusto ko lang magpasalamat sa mga bumati sa ken.

hehe…

kahit sampung segundo lang o mahigit napangiti niyo ako :]

sa mga nagtext, sa mga nagcomment, at sa mga taong binati ako through mental telepathy, maraming salamat sa effort na binigay niyo para batiin ako… :]

________________________________________________________________

matanda na ako.

pero isip bata pa rin.

siguro me mga kagaguhang natutunan along the way na nagpatino sa kin.

peo alam ko na marami akong katarantaduhan na nakasagasa ng ibang tao.

kaya gusto kong mag sorry sa inyo.

sa mga taong mas lalong namroblema nung binigyan ko ng payo, sana mapatawad niyo ako.

sa mga taong hindi ko pinararamdaman…

at saka ko lang pinararamdaman kapag me kailangan ako sa kanila…

sorry… hindi ko lang alam kung paano sisimulan ang usapan. kaya indi ko kayo natetext. ayos lang sakin kung ikundena/ikondena (indi ko alam ang spelling) niyo ako at ipanalanging mapunta ang kaluluwa ko sa purgatoryo o sa impyerno kung naniniwala kayong walang purgatoryo.

alam kong mali ang ginawa ko.

pasensya na talaga sa kabobohan ko.

pasensya na nga rin pala sa mga taong hindi ko pinapansin pagkatapos malaman ang katotohanan.

oo, nailang ako sa inyo nung malaman ko yun.

pero ngayon hindi na.

at hindi ko lang alam kung pano lapitan kayo uli.

gaya ng dati, pwede kiyo akong kundenahin,

tapakan ang pagkatao’t dignidad,

o kung ano pang gusto niyong metodolohiya.

bahala na kayong pumili.

sana mapatawad niyo ako.

peo kung bibigyan ng pagkakataon…

me magagawa pa ba ako para maisalba ang pagkakaibigang nawala…?

ansarap mawala

una’t sapul, madali talaga akong mawala.

kahit na nadaanan ko na, nawawala pa rin ako.

pano pa kaya pag gumala ako sa indi ko masyadong ginagalaan?

isang oras at mahigit akong naghahanap internet shop sa mall.

mejo me kalakihan kasi ng onti yung mall kaya nakakalito.

me nakita akong inet shop sa me gitnang baba pero napamura na lang ako sa isip nung makita ko yung presyo ng inet shop per hour. UTOT NIYO WAG NA LANG UY!!!!! tingin niyo sakin RICH?! haller…

tapos meron pang mga secret areas na madadaanan mo lang kapag tama ang sinakyan mong escalator.

kaya ayun.

haha.

nung una indi ko alam ung secret areas. paikot ikot lang talaga ako sa mall na parang tanga. hanggang sa naisipan kong lumabas ng mall para maghanap ng internet shop.

tapos puro daan lang pala ang makikita ko sa labas.

haha

kaya balik mall uli…

no choice na ata ako at mag-iinet nalang sa 55 pesos per hour na shop.

pero…!!!

buti na lang at napatingin ako sa information board bago pumasok sa mall.

at buti na lang at tinanong ako ni ate sekyu kung san ko gustong pumunta. (kasi hindi ko nauunawaan ang info board… haha)

kaya napag-alaman ko na me secret area pala ang mall!!!

haha

puke…

pawisang pawisan pa ko pagdating ko sa inet shop…

tapos nakita ko pa mga kamag-anak ko!

haha

akala nila nakikipag date ako.

UTOT!!!!!!!

kung alam lang nila…

na nawawala lang ako…

hehe… baka magsi ututan pa kami sa mall…

seventy seven

napakabilis ng oras…
nalingat ka lang…
nasa kabilang mundo ka na
hehe

« Previous entries